Saan ka man mapapunta alagang pinoy iyong pinadarama.
Sa Pinoy Care walang tatalo, Pinoy Care handog mo sa mundo!

Kilala ako sa school na nagfifeeling na Christian Bautista kaya naman mabilis kumalat ang kabaduyan ni Idol with matching trivias pa from my collegues.
Ganito na ba kahirap ang ekonomiya para gawin niya ang mga bagay na ito? Huhuhu. Hindi ko napigilang tumawa noong unang beses kong napanood. Walang hiya pati eskwelahan pinatos na. Hinahanap ko nga ang lyrics pero di ko makita. At ang mas nakakatawa pa dun isang negosyong nursing school pa. Mapapatawad ko pa sana siya kung Boy Bawang ang product endorsement. Hayaan mo Christian at ulitin ko ulit ang pang-aaral ng nursing sa St. Augustine. Wala na tayong magagawa kahit ano pa gawin niya... si Christian Bautista pa rin siya!
In fairness maslalo pang dumadami endorsements niya ngayon, hindi lang dito maging sa ibang Asian countries. Siya rin ang kinuha ng San Miguel Corporation na mag-endorse ng isang bagong line of soft beverage product in Asia starting with Indonesia kung saan siya tinatawag na Asia’s Pop Idol. Sa susunod tatawagin na siyang Nursing Pop Idol.
No comments:
Post a Comment