Pages

Tuesday, May 29, 2007

Pinoy Care from Asia's Pop Idol

Sa 'yong haplos at mga ngiti, lungkot at sakit ay napapawi.
Saan ka man mapapunta alagang pinoy iyong pinadarama.
Sa Pinoy Care walang tatalo, Pinoy Care handog mo sa mundo!


NAGIGING mabenta ang charms ni Christian Bautista as a product endorser lately. Kung naaasar ka sa political ads ni Pichay, nasubukan mo na bang panoorin ang bagong TV commercial ni Christian Bautista? Utang na loob muntik ko na ibato ang remote. It was the most hilarious thing Asia's Pop Idol ever did in the history of his career.

Kilala ako sa school na nagfifeeling na Christian Bautista kaya naman mabilis kumalat ang kabaduyan ni Idol with matching trivias pa from my collegues.

Ganito na ba kahirap ang ekonomiya para gawin niya ang mga bagay na ito? Huhuhu. Hindi ko napigilang tumawa noong unang beses kong napanood. Walang hiya pati eskwelahan pinatos na. Hinahanap ko nga ang lyrics pero di ko makita. At ang mas nakakatawa pa dun isang negosyong nursing school pa. Mapapatawad ko pa sana siya kung Boy Bawang ang product endorsement. Hayaan mo Christian at ulitin ko ulit ang pang-aaral ng nursing sa St. Augustine. Wala na tayong magagawa kahit ano pa gawin niya... si Christian Bautista pa rin siya!

In fairness maslalo pang dumadami endorsements niya ngayon, hindi lang dito maging sa ibang Asian countries. Siya rin ang kinuha ng San Miguel Corporation na mag-endorse ng isang bagong line of soft beverage product in Asia starting with Indonesia kung saan siya tinatawag na Asia’s Pop Idol. Sa susunod tatawagin na siyang Nursing Pop Idol.

No comments: